begonia





ako ngayo'y nagmumukmok
sa isang makipot na sulok
wala man lamang makausap
kahit sa isang may utak sapsap 
ibig idaan sa patula tula
hungkag pa rin parang bula
ang malakas na pag-ulan
pabigat pa sa pinapasan. 

     
makatulog na nga kaya
baka magbago pa hangin
pitik bulag ako taya
magulo kung iisipin
tingala na lang sa kawalan
o buhay ng isang buwang!


*wala lang! kagagawa lang.

 

No comments:

Post a Comment