sampaguita


(jasminum sambac)

isang halina tuwing umaga
halimuyak mong nag-aanyaya
na simsimin ko ang iyong bango
pikit mata ako'y nalalango
ganda at samyo mo ay dalisay
sa tingin ko ay walang kapantay
pambansang bulaklak nitong bayan
kilala ng buong pamayanan




No comments:

Post a Comment