waling waling

(euanthe sanderiana)




kay bukas:
pinakaaasam asam na ang iyong kamalayan
ay balutin ang aking mundo ng
iyong mga pangarap at
maramdaman ko
ang ligaya sa
buhay.

kay kahapon:
pinakahihiling ang aking lubos na paglaya
sa nakauulol at sa nakababato
na kulungang itong
iyong ginawa
para sa
akin.


No comments:

Post a Comment