yellow vine


(tristellateia australasiae)


 Kaisipang tumpak

pumapaimbulog
ang isang bagong katotohanan
na nagsimula pa
sa isang dating kaalaman
ito ay dumaraan
sa mga proseso ng buhay
pinagagaan nito
buhay ng karamihan

gustuhin mo man o hindi
ito ang nagaganap
kaisipang tumpak
sa agham nakabatay
di sapat na umasa
hinalang di binatay
suhetibo sa pananaw
kabiguan ang taglay

nguni't ang nangyayari
kaiba ang namumutawi
katotohanan nga ba
ay lubhang nakakubli
ito bang mga pangarap
na dapat pang sisirin
sa kailailaliman
sa kaibuibuturan

ang mga adhika ba
nitong yaring buhay
ay isang walang hanggang
paglaban sa kadiliman
kawalan ng pag-asa
walang bukang liwayway
mayroon pa bang bukas
na hitik ng ligaya

walang titigil, walang aayaw
kapit kamay isa't isang hanay
kubkubin ang sentro ng kadiliman
nang wakasan na ang panlilinlang
itayo na ang mga bantayog
ng malaya, tamang kaisipan
at dapat lamang alalahanin
mga nadapa at nalagas sa dilim. 

                           


No comments:

Post a Comment