kalachuchi


 

plumeria (also known as frangipani)

puro dada
wala namang makapa
puro palakpak
pero sa totoo'y palpak
puro kasinungalingan
kaiba sa katotohanan
pagamit ng dahas
sa mga nagpupumiglas
nag-aanyong matwid
gayung baluktot ang gawi
pag-aaklas ang katapat
para gumanda ang bukas

No comments:

Post a Comment